- Idol
Alright one two three four
Kay rami-raming naghihiyawan (idol)
Lahat sila'y nagsisigawan (idol)
Mga paa'y pumapadyak (idol)
Mga kamay pumapalakpak
Idol
Magmula ng marinig tinig mo sa himpapawid
Sa puso'y may biglang pumintig
- Muli
Araw-gabi bakit naaalala ka't
'Di ko malimot-limot ang sa atin ay nagdaan
Kung nagtatampo ka ay kailangan bang ganyan
Dinggin ang dahilan at ako ay pagbigyan
Kailangan ko ang tunay na pag-ibig mo
Dahil tanging ikaw lang ang pintig ng puso ko
Hahayaan mo ba na maging ganoon na lang
Ang isa't isa'y mayro'ng pagdaramdam
- Pinakamamahal Kita
Pakinggan mo ang bulong ng puso ko
Bawat tibok nito ay para sa’yo
Damdamin ay hindi magbabago
Patuloy na iibig sa’yo
Sabihin mo lang lahat ng nais mo
Ibibigay at gagawin para sa’yo
Kahit buhay pa ay iaalay ko
- Sana'y Laging Magkapiling
Awit ko’y pakinggan at laging tatandaan
Mahal kita pag-ibig ko’y tanging sa iyo sinta
Ikaw ang lahat sa akin at pakamamahalin
Ikaw at ako sana’y laging magkapiling
Nalimutan mo na ba ang mga pangako mo
Ang sabi mo’y ako ang tanging nasa puso mo
Hanggang wakas di maglalaho pangako mo’y di magbabago
Naaalala mo pa ba mahal ko
- Si Hesus Ang Tanging Pag-Asa
Bakit napakaraming katanungan ng tao
Wala naman yatang kasagutan dito sa mundo
Bakit sila ganun bakit kami ganito
Bakit hindi pantay-pantay ang buhay ng tao
May mga ipinanganak na may kapansanan
Buong buhay ay dala-dala ang kanilang kapintasan
Ito ba ay kagustuhan nya o isang pagsubok
Ngunit sino ako upang magtanong at maghanap ng sagot
- Umasa Ka
Umasa ka pag-ibig ko sayo'y 'di mag-iiba
Hangga't ang buhay ay mayroon pang natitirang hininga
'Di ipagpapalit kahit kanino pa
Walang ibang mamahalin kundi ikaw lang aking sinta
Umasa ka na ang damdamin ko'y 'di magbabago
Ako'y nangangako pag-ibig kong ito'y 'di maglalaho
'Pag ika'y kapiling ko langit ang aking mundo
'Pagkat laging pangarap ko makasama ka o giliw ko
- Umiiyak Ang Puso
Bakit ba ang buhay ko'y ganito
Wala na yatang natitirang pag-asa sa mundo
Lagi na lang tayong pinaglalayo
'Di ba nila nadaramang ang pag-ibig ko sa iyo'y totoo
'Di ko na kaya ang humanap pa ng iba
Pagka't ikaw lang ang tanging sinasamba
Alam mo bang kapag kapiling ka
Bawa't sandali ay walang kasing ligaya
- Walang Hanggan
Nangangamba ang puso mo kay hirap ng magtiwala
Kung mahal mo ay bigla na lang mawawala
Nandito ang damdamin ko inaalay sa iyo
Ikaw lang ang nais na makapiling ko
Pagkat ako sayo'y nagmamahal damdamin mo'y aking iingatan
Kahit na anong mangyari di kita iiwanan
Asahan mong pag-ibig ko'y hanggang sa dulo ng walang hanggan
Ilang ulit na nga ba lumuha ang iyong mata