Didith Reyes все тексты (слова) песен, переводы, видео, клипы
Bakit Ako MahihiyaBakit ako mahihiya
Kung ang puso'y sumisinta
Dapat ko bang ikahiya
Kung iibigin ko ikaw sinta
Bakit ako mahihiya
Kung sa iyo'y liligaya
Ang pag-ibig mo lamang
Ang syang tanging aliw sa buhay
Buhay Ko'y Tanging IkawAng daigdig sa akin ay halos magunaw
Pagkat ako'y iniwan mo sa kalungkutan
Ako'y pinaratangang taksil sa sumpaan
Gayon batid mo hirang na ikaw ang aking buhay
At kung ito'y sadyang dulot ng kapalaran
Tatanggapin kong yan ang syang kaligayahan
Ngunit alalahanin lang
Mahal kitang tunay buhay ko'y tanging ikaw lamang
Hanggang Sa Dulo Ng Walang HangganHanggang sa dulo ng walang hanggan
Hanggang matapos ang kailan pa man
Ikaw ang siyang mamahalin
At lagi nang sasambahin
At ang sumpa'y ‘di ka luluha giliw
At kung mayron ka mang ibang mahal
Asahan mong ako’y di hahadlang
Habang ikaw ay maligaya
Hindi Kami Damong LigawKatulad mo ay tao rin kami
Nasasaktan ang damdaming api
Mga luha pilit kinukubli
Pagdurusa ay sarili
Ito ang palad ng buhay
Kaya dapat pagtiisan
Kami'y hindi mga damong ligaw
Na ang dapat ay iwasan
Hindi Kita MalimotSa pangarap ko lamang lagi kang nakikita
Pagka't nawawalay ka sa piling ko sinta
Ako'y dumadalangin lalo na kay bathala
Upang wag kang lumimot pagka't mahal kita
Hindi kita malimot alaala kita
Hindi kita malimot minamahal kita
Isinusumpa ko sa'yo aking hirang
Na ikaw lamang ang tangi kong minamahal
KapalaranBakit ba ganyan
Ang buhay ng tao
Mayro'ng mayaman
May api sa mundo
Kapalaran kung hanapin
'Di matagpuan
At kung minsa'y lumalapit
Nang 'di mo alam