- Ako'y Ginulat Mo
Ako'y ginulat mo 'pagkat ang bawat daldal mo
Ay kay sakit sa tenga ko lahat binabaliktad mo
Aba't kay husay manggaya at pipintas-pintas ka pa
Hindi naman dumidiga siguro ay may gusto ka
Bakit ba ika'y nagkakaganyan
Ayaw mong mabuntutan ibig ika'y sabayan
Kung ako naman ay sumasabay
Babakyain kung ika'y aking sinusundan
- Alaala
Akin pang naaalala
Noong si ama'y nabubuhay pa
Ang sabi niya'y Freddie
Mag-aral kang mabuti
Tulungan mo ang 'yong sarili
Ang nais niya'y hindi nasunod
'Pagkat ako'y may dahilan
Ang nais ko'y umawit
- Anak Epilog
No'ng isilang ka sa mundong ito
Laking tuwa ng magulang mo
At ang kamay nila ang iyong ilaw
At ang nanay at tatay mo'y
'Di malaman ang gagawin
Minamasdan pati pagtulog mo
At sa gabi'y napupuyat
Ang iyong nanay sa pagtimpla ng gatas mo
- Anak Каннам 1970
Noong isilang ka sa mundong ito,
Laking tuwa ng magulang mo.
At ang kamay nila
ang iyong ilaw.
At ang nanay at tatay mo,
'Di malaman ang gagawin.
Minamasdan pati pagtulog mo.
- Ang Dalagang Pilipina
Ang dalagang Pilipina parang tala sa umaga
Kung tanawin ay nakaliligaya
May ningning na tangi at dakilang ganda
Maging sa ugali maging sa kumilos
Mayumi mahinhin mabini ang lahat ng ayos
Malinis ang puso maging sa pag-irog
May tibay at tinig ang loob
Bulaklak na tanging marilag ang bango ay humahalimuyak
- Bayan ko
Ang bayan kong Pilipinas
Lupain ng ginto't bulaklak
Pag-ibig na sa kanyang palad
Nag-alay ng ganda't dilag
At sa kanyang yumi at ganda
Dayuhan ay nahalina
Bayan ko binihag ka
Nasadlak sa dusa
- Birheng Walang Dambana
Nang ako sa 'yo'y magtapat ng pagmamahal
Ay sumumpa kang 'di lilimot hirang
Ang saksi natin ay ang birheng nasa altar
At mga taong nagdarasal
Bakit ba aking mahal ikaw ay lumimot sa ating sumpaan
At 'di mo pansin ang sa iyo'y nagmamahal
Kung gayon sinta ako sa 'yo ay paalam
Magtitiis habang nabubuhay
- Buhay
Buhay nga ba'y sadyang ganyan
Ang hirap ay 'di natin maiwasan
Kalungkutan ay lagi na lang
Kasiyahan ay minsan lang makamtan
O buhay
Kahit sa mga mayaman
Ay 'di lubos ang kanilang kasiyahan
Sa buhay ng mahirap ay gayon din
- Buhay Nga Naman Ng Tao
Oh ang buhay nga naman ng tao
'Di mo maintindihan at 'di mo malaman
Kung saan ka tutungo
At kung nakamit mo na ang pangarap
'Di pa rin masiyahan ang nais mo'y madagdagan
Limot mo na ang 'yong pinagmulan
Bakit nga ba ganito
Ang tao'y walang kasiyahan
- Bulag, Pipi at Bingi
Sa bawat yugto ng buhay may wasto at may mali
Sa bawat nilalang ay may bulag may pipi at may bingi
Madilim ang 'yong paligid hating-gabing walang hanggan
Anyo at kulay ng mundo sa 'yo'y pinagkaitan
H'wag mabahala kaibigan isinilang ka mang ganyan
Isang bulag sa kamunduhan ligtas ka sa kasalanan
'Di nalalayo sa 'yo ang tunay na mundo
Marami sa ami'y nabubuhay nang tulad mo
- Di Ka Nag-iisa
Tumuntong siya sa bayan niya
Dala lamang ay pag-asa
Di mapigil ang inggit nila
Sa isang bala ay nilagot ang buhay niya
Buong bayan ay pumila
Upang magisnan ang bangkay niya
At sa ganon malaman na
- Habol-Habol
O ang babae pag minamahal
May kursunada'y aayaw-ayaw
Pag panay ang dalaw ay nayayamot
Wag mong dalawin dadabog-dabog
Wag mong suyuin ay nagmamaktol
Pag iyong iniwan hahabol-habol
Mayro'ng bata akong nililigawan
At kung aking pinapanhik ng bahay
- Higit Sa Lahat Tad
Iyong ihandog ang buhay at puso
Sa bawat tao sa ibabaw ng mundo
Pangalagaan ang katahimikan
At ialay mo ang kadakilaan
Higit sa lahat ay tao
Ito'y dulutan ng kasaganahan
Ito'y handugan ng kaligayahan
Gawing matatag ang iyong kalooban
- Ikaw
Ibig kong malaman mo na kahit na malayo ka
Lagi kang alaala sa puso ko’y naroon ka
Darating din ang araw at ako ay iyong maiintindihan
Ang pag-ibig ko sa iyo ay di magmamaliw kailan man
Ikaw ikaw ay dugo ko’t laman
Ang pag-ibig ko’y walang hangganan
Kahit na malayo sa piling mo
Ang pag-ibig ko’y laging sa ‘yo
- Ikaw Ba Ay Pilipino
Ikaw ba ay Pilipino
Ba't ganyan ang ayos mo
Ba't ganyan ang asal mo
Ba't gayan ang salita mo
Naglakbay ka lang ng ilang taon
Nalimot mo ang iyong wika
Pati ang mga kilos mo
Ay di na kilos ng Pilipino
- Kapayapaan, Kalayaan
Kapayapaan ang hihihiling sana ay pakinggan
Kalayaan ang nais sa lupang sinilangan
Kay tagal na rin nating naghahanap
Ng pag-asa ngayon na ang tamang oras
Tayo ay gumising na
Hindi na kailangan pang dumanak ang dugo
Upang makamtan ang minimithi
Ikaw ako tayong lahat
- Karding
Nang unang marinig ang iyong pangalan
Ang tanong koy ikaw ba ay kaaway o kaibigan
Bakit ganyan nalang ang nararamdamam
Usap-usapan ka ng mamamayan
Karding ikaw ba'y kaaway o kaibigan
Karding ano ba ang tunay mong kasaysayan
Lahat nagtatanong ano ba ang nangyari
Ano ba ang tunay mong katauhan
- Katamaran
Naghihilik ka pa mataas na ang araw
Bumangon ka't ikaw ay gumalaw
Mga kasama mo'y umalis ng matagal
Ngunit ika'y nariyan pa rin
Bat di mo baguhin ang iyong buhay
Daig mo pa si Juan sa katamaran mo
Banatin mo ang iyong mga buto
Kumilos ka at baguhin ang buhay mo oh
- Katarungan
Sa isang kulungang bakal ay may taong malungkot umiiyak
Ang tanong n'ya sa sarili ay kailan magigisnan ang liwanag
Malayo ang iniisip at nakakuyom yaring mga palad
Bakit daw s'ya nagdurusa sa kasalanang 'di n'ya ginawa
Kahapon lamang ay kapiling n'ya kanyang asawa at anak
Namumuhay nang tahimik sa isang munting tahanang may tuwa
Ang kaligayahan ay pinutol ng isang paratang sa kanya
S'ya daw ang may sala sa isang krimen na 'di naman n'ya ginawa
- Kinabukasan
Ikaw pala lagi kang ganyan
'Di ka na ba matututo
Kinabukasan ay pinabayaan mo
Wala nang katinuan sa utak mo
Kain tulog walang trabaho
'Di ka ba nahihiya sa asal mo
Kahit na anong pangaral sa'yo
'Di pumapasok sa'yong ulo
- Laki Sa Layaw
May mga taong
Lumaki sa hirap
Merong laki sa layaw puro sarap
Kung siya'y titigan mo
Akala mo kung sino
Hindi na bumababa sa kanyang trono
Lahat ng gusto niya
Ibinigay na sa kanya
- Magbago Ka
'Di ka man lang nag-isip
'Di ka man lang nagsikap
Pinabayaan mo ang iyong kinabukasan
Ba't ka ganyan
'Di naman sila nagkulang
Ibinigay ang 'yong kailangan
Bakit bumagsak ka sa kalokohan
Nagpabaya ka
- Magdalena
Tingin sa iyo'y isang putik larawan mo'y nilalait
Magdalena ikaw ay 'di maintindihan
Ika'y isang kapuspalad bigo ka pa sa pag-ibig
Hindi ka nag-aral 'pagkat walang pera
Kaya ika'y namasukan doon sa Mabini napadpad
Mula noon binansagang kalapating mababa ang lipad
Hindi mo man ito nais ika'y walang magagawa
'Pagkat kailangan mong mabuhay sa mundo
- Magulang
Sino ang nagmahal sa iyo
Kundi silang dalawa
Sino ang nagmamalasakit ang iyong ama't ina
Sila ang naging daan kaya ikaw ay nabubuhay sa mundo
Anuman ang mangyari hindi sila magbabago
Ang mga magulang mo'y laging nagmamahal sa iyo
Kahit na nasasaktan
Kahit na sila'y di mo pinapansin
- Mahal Kita
Mula nang makilala ka nagbago na
Ang paligid kong ito ay sumaya
Maging hirang na buhay ko ay sumigla
Dahil sa 'yong sinta giliw ko mahal kita
Mahal kita
Kahapon lang ang buhay ko ay magulo
Walang patutunguhan yaring kinabukasan ko
Sa akin ay walang nagmamahal nalulumbay
- Minamahal Kita
Di ko malimutan
Ang iyong mga larawan
Ang iyong mga pangakong ako lang
Kahit nasaan ka man
Malayo o malapit man
Ang pag-ibig ko'y iyo lamang
Ika'y pangarap ko sa tuwina
Lagi kang laman ng isip
- Mindanao
Mula nang magka-isip ay nagisnan ko ang problema
Hanggang sa kasalukuyan akin pang nakikita
Tuloy pa rin ang digmaan
Kalat na ang kaguluhan sa Mindanao
Mindanao Mindanao
Mga mamamayan doon ay takot ang nadarama
Hindi malaman kung ano ang gagawin sa tuwi-tuwina
Mga taong walang malay
- Ngayon at Kailanman
Ngayon at kailanman
Sumpa ko'y iibigin ka
Ngayon at kailanman
Hindi ka na mag-iisa
Ngayon at kailanman
Sa hirap o ginhawa pa
Asahan may kasama ka sinta
Naroroon ako t'wina
- Pangako
Saan ang pangako mong pagbabago ng paligid
Nasaan ang pag-unlad ng kabuhayan
Kay sarap pakinggan ng kay haba mong talumpati
Ngayon ay 'di ka na makausap
Naroon ka sa 'yong palasyo at nagtatago
Napapaligiran ng mga guwardiya
Mga daing ng bayan ay 'di mo naririnig
Dahil ba sa kalansing ng pera
- Pinoy
Kahit na ako'y mahirap lang marami naman akong kaibigan
Uunlad din ang kabuhayan pag-asa'y aking makakamtan
Ang kulay ko'y di puti ang lahi ko'y kayumanggi
Pinoy kung ako'y tawagin sa isip puso't damdamin
Pinoy pinoy pinoy pinoy
Pilipinas yan ang bayan ko mayaman sa pagibig ang tao
ang Luzon Visayas Mindanao dakilang lupa ng Pilipino
Ang kulay ko'y di puti ang lahi ko'y kayumanggi
- Problema
Sari-saring problema
Ang sa ulo mo'y tumotorta
Lahat na halos ng paraan
Sinubok mo ngunit 'di umubra
Ba't 'di ka tumawa tumawa ka
Tawanan mo ang 'yong problema
'Di mo dapat dibdibin
At 'wag mong masyadong isipin
- Problema Na Naman
Problema na naman
Suyang-suya na ako
Nananakit na ang tenga ko
Sa kaseselos mo
Problema na naman
Lagi kang nakabantay
Wala ka nang patawad giliw
Maging sa kaibigan
- Pulubi
Ang suot niya ay lumang-luma
At ang kanyang mga mata'y malamlam
Banaag mo sa kanyang mukha ang kahirapan
Maghapon siya sa mga daan
Nanghihingi ng kaunting tulong
At madalas n'yo siyang hamakin at libakin
Siya ay pulubi hinahamak ninyo
Siya ay pulubi tao ring katulad niyo
- Sa Lumang Simbahan
Sa lumang simbahan
Aking napagmasdan
Dalaga't binata
Ay nagsusumpaan
Sila'y nakaluhod
Sa harap ng altar
Sa tigisang kamay
May hawak na punyal
- Sa Ngalan Ng Ama
Sa ngalan ng Ama sa ngalan ng Anak ng Espiritu Santo Amen
Ang maririnig mo sa bibig ng tao
Nagdarasal nagdarasal nagdarasal
Patawarin mo po kami sa aming kasalanan
Ilayo mo po kami sa mga tukso
Patnubayan mo po kami sa aming gawain
Paglinawin po Ninyo ang aming Isipan
Sa ngalan ng Ama sa ngalan ng Anak ng Espiritu Santo Amen Amen
- Sinasaktan
Pa'no kita mamahalin kung ganyan
Damdamin ko'y lagi mong sinasaktan
Sinasaktan sinasaktan
Kahapon ay iba ang iyong kasama
Magkahawak-kamay kayong dalawa
Ang sabi mo kaibigan lang
Ngunit ang puso ko nasasaktan
Nasasaktan
- Sulat
Nung isang araw sa may tapat ng pintuan
May isang mama at meron siyang dala sulat
Nang basahin ko humihingi siya ng tulong
Dahil daw sa kanyang anak na maysakit
Siya'y amoy-alak mata'y namumula
Kaya daw naglasing dahil sa problema
Sa awa ko dinukot ko ang piso sa bulsa
Ang sabi niya ay mama kulang dagdagan pa
- Tayo'y Mga Pinoy
Tayo'y mga pinoy tayo'y hindi kano
'Wag kang mahihiya buhay man ay maralita
Dito sa silangan ako isinilang
Kung saan nagmumula ang sikat ng araw
Ako ay may sariling kulay kayumanggi
Ngunit 'di ko maipakita tunay na sarili
Bakit kaya tayo ay ganito
Bakit nanggagaya mayro'n naman tayo
- Trabaho
Trabaho trabaho
Lunes hanggang sabado
Panay trabaho
Trabaho trabaho
Patuloy ang taas nitong mga presyo
Pagdating ng sweldo ay kinakapos din
Maraming babayaran kay sakit isipin
Kahit na ang pagtitipid ang gawin
- Waray-Waray
Waray-waray hindi tatakas
Waray-waray handang matodas
Waray-waray bahala bukas
Waray-waray manigas
Waray-waray hindi tatakas
Waray-waray handang matodas
Waray-waray bahala bukas
Waray-waray manigas